Ask @Doctor_Eamer:

Sumemplang yung kapatid ko sa motor, dinala ko siya sa clinic sa loob ng subdivision namin. Ang gusto lang sana namin ipalinis yung mga sugat at gasgas niya kumbaga first aid lang. Kailangan pa ba kami hingian ng medicolegal? Tama ba na tanggihan kami at hindi binigyan ng first aid yung kapatid ko?

Hi there! This is just a personal opinion. I'm not a medical doctor. For me, mali na tanggihan kayo nung clinic. Ano bang nagyari at kailangan ng medicolegal? Hindi naman legal case iyan eh. Anyway, you can check my FB - Joseph Arquiza Pagtananan. I posted your question sa wall ko. I tagged my friends who are doctors/nurses/first aiders. Check mo na lang. God bless!

View more

Hi! I didn't get my periods this month. I'm 18 and haven't had sex or haven't been in contact with any guy through out my life. This is the first time this has happened. I have a 42 days cycle. What may be wrong?

I'm really sorry but I think I am not the right person whom you should ask. I don't know about the cycle of the girl's period. All I know is it is monthly cycle. You better go to your OB/GYN for this matter. I pray that all is well for you. God bless!

View more

Doc, may mga tips ka ba kung paano manligaw? May gusto akong babae, ang tagal ko ng may pagtingin sa kanya. Sabi ko sa sarili ko pag 18 na siya, liligawan ko siya.. Ngayon hindi ko naman alam kung pano ko magsisimula. Lalo na't di kami close. 21 na ko at first time ko 'to gagawin. Help naman po. :)

At ako talaga ang tinanong mo? Well, what can I share?LOL!
Srsly, try mong magtanong sa mga kamag-anak mong babae kung paano sila niligawan ng boyfriend/asawa nila. I believe madami silang maibabahagi sa iyo.
Mukha naman may trabaho ka na. Pero I think 18-23 is the time for career talaga. Sabi nila 3 out of 5 relationships within those period ay hindi din nagkakatuluyan sa bandang huli. There are many possible reasons. Siguro isa sa kanila ay soul searching. Hindi pa din talaga alam ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Maaari ding “distance” that work creates. But anyway, kaya namang gawan ng paraan kung gugustuhin talaga. Babalitaan kita sa tips kapag sinagot na ako ng liligawan ko. ;-) For the meantime, be updated with my blogs. https://iamdoctoreamer.wordpress.com/

View more

Hi Dr. Eamer, good day! What's your opinion regarding on online relationship? We know each other thru fb by one common friend, he add me then we had this chat thing for a while (4mos),both of us are born again Christian but we're far from each other, he's from another country. What to do? Thanks

Good day too! What to do? Go to facebook.com. Click the settings. Delete your account. Tingnan natin kung magiging kayo talaga. Kung kayo, kayo talaga diba? LOL!
Srsly, online relationship might be difficult if it will be your first time to enter into a relationship. I think it is better if you will read my article about Long Distance Relationship (https://iamdoctoreamer.wordpress.com/2015/05/26/long-distance-relationship/) since mostly online ang mangyayari diyan. Though ibang cases naman ang iyo.
Everything is worth trying. But not every “worth trying” is everything. Hahaha! Di mo gets? Di ko din gets. You can also suggest this dating app to your friends! LOL! (https://iamdoctoreamer.wordpress.com/2015/06/16/datingapp/)

View more

Kuya, yung best friend ko gustong ligawan yung isang kasama niya sa ministry. Parehas silang dancer ng church namin. HS palang po kaming dalawa ng best friend ko and yung girl na gusto niyang ligawan grad na ng HS. Pipigilan ko po ba siya or hayaan ko nalang siyang matuto sa pagkakamali niya? Kinaus

(cont.) Kinausap ko na po kasi siya, na kailangan niyang maghintay, ang sagot niya lang ay, "thank you sa concern."
Answer: Pigilan mo siya. At magmakaawa ka. “Bakit siya pa! Siya na lang ba lagi? Puwede bang ako na lang?!” LOL!
Srsly, isumbong mo sa youth pastor ninyo. :-) Or ipabasa mo itong blog ko na https://iamdoctoreamer.wordpress.com/2015/03/06/payongpagibig/

View more

pwede mo bang mailabas ang naitatagong pagmamahalan ninyo sa ibang paraan? example, flirting each other.

Hindi pagmamahal ang tawag doon. Kalandian ata iyon.LOL
Srsly, bakit kailangan pang makipag-flirt? Para at the end of the game, walang uuwing talunan at broken hearted. Ang defense mechanism mo ay “Ok lang ako, hindi naman seryoso iyon. At hindi naman ako seryoso din. Flirting lang talaga.”
Sabi sa Philippians 4:8 says, “Fix your thoughts on what is true and honorable and right. Think about things that are pure and lovely and admirable. Think about things that are excellent and worthy of praise.” I think flirting is not honorable and it is not right. It is not pure, lovely nor admirable. So don’t entertain those flirting thoughts.
Bakit kailangang itago ang pagmamahalan? Usually, ang mga tago ng tago, either may kasalanan or takot.

View more

Doc Eamer, may nanliligaw po sa friend ko na guy na Catholic. He has a godly character and he's also an able man tapos gusto siya ng family ng friend ko, pero si friend, born again Christian siya. May bearing daw po ba talaga ang religion when it comes to relationship? Ano pong magandang gawin?

Ang dapat mong gawin ay manahimik. Huwag makialam sa iyong kaibigan. Buhay niya iyon. Asikasuhin mo buhay mo.LOL ;-)
Alam kong concern ka sa friend mo. I appreciate that. Mas mainam na kausapin ng friend moa ng pastor niya or leader sa church. Kapag nakausap na niya, saka ako magkokomento ;-)

View more

doc, panu qng isang taon mahigit ka nang d pinapansin ni girl? ibg sbhn ba nun ayaw ka na nya tlga pansinin at kausapin?

Walang ibig sabihin iyon. Wala. As in wala. LOL!
Siyempre, nagpapahiwatig siya na “Please lang, manhid ka ba? Hindi kita gusto.”
Minsan may mga bagay tayong dapat tanggapin dahil alam natin na iyon ang kagustuhan ng Diyos. Halimbawa na lang ang butas ng ilong mo. Diba dalawa iyan? Tanggapin mo na dalawa iyan. Dahil hindi ata maganda na isa lang.hehe Naimagine mo ba? Hindi okey diba?

View more

Is it possible to fall in love na hindi mo pa cya na meet in person? Like, we just had this common friend in social media then we chat for a while already. Both of us are Born-again Christian and we're miles away. What's your say to this doc? Thanks

Posible naman. Ang tawag doon ay e-love as in electronic love.LOL!
May alam akong story na ganyan. Bisitahin mo itong http://www.russianfilipinokitchen.com/about/
Kay Ate Mia iyan, magtanong ka sa kanya ng kanyang love story :-) Parang ganyan na ganyan.

View more

Gusto ko siya, kaso ayaw niya sakin. Anung gagawin ko po Doc? :(

Bili ka ng isang gating na langis na pamprito. Tapos uwi kana ulit sa bahay ninyo. Kuha ka ng baso at lagyan mo ng tubig galing sa gripo. Kalahati lang ha. Kapag ok na, ibuhos mo ang langis na binili mo doon sa baso hanggang mapuno pero ingatan huwag matapon. Ano ang napapansin mo? Ganyan kayong dalawa. Not meant to be.LOL
Srsly, may mga bagay na dapat ay huwag ipagpilitan. May mga bagay naman na dapat pursigido ka talaga. Ano ang dapat mong gawin? Isipin mo alin doon sa dalawa ang gagawin mo.
Baka naman hindi ka “worth liking for” :-) Try mong mag-ask sa ibang close friends mo kung ano ang mga bagay na dapat mong iimprove. Ugali. Pananamit. Character. The way you speak. The way you project. Etc.
Be a better you and for sure he/she "might" attracted to you. It’s not a guarantee. But it’s a possibility.

View more

naniniwala ka ba sa age doesn't matter? haha. panu kung mas bata ang lalaki kesa sa babae? haha

Of course age does matter. Imagine if 25 years old ka tapos ang gusto mong pakasalan ay one year baby. Ewan ko lang if hindi ka ulanin ng batikos.LOL
Srsly, age might matter. Madaming aspeto ang puwede mong tingnan kasi. Culture. Maturity. Physical capability (in terms of giving birth). Public acceptance (minor but still may bearing ito). Madami pa!
Age might matter or not, for sure what really matters is LOVE. :-)

View more

choosy po bang matatawag kung ang hinahanap mo sa isang guy ay yung worth it ipakilala sa magulang? hindi estado sa buhay ang issue, parang yung alam mo pong rerespetuhin yung magulang mo. coz boys these days parang puro "swag". hirap humanap ng for keeps. old school ko po ba kaya ako single? haha

Nakakuha kana ba ng pagsusulit sa klase na multiple choice? Apat ang pamimilian. Ang lahat ng kaklase mo ang sinagot ay A. Tapos ikaw ang sinagot mo ay C. Sinabihan ka ba nila na “choosy” ka? :-) If yes, that’s a big LOL.hehe
Srsly, the issue here is not being choosy. The issue is being “right”. Pagiging tama. Alin ba ang tama, magpakilala ka sa magulang mo ng isang lalaki na babastusin ang magulang mo? O ang lalaking rerespetuhin ang mga magulang mo? Alam kong alam mo ang sagot diyan.
Baka naman pressured ka lang na magkaroon ng ipapakilala. Don’t settle for a love that you don’t deserve. Sabi mo nga, “guy na worth it ipakilala”. Pray for that. Buy my book too.hehe LOVE IS BLOG. :-)
Sabi nga doon sa book, “Sabi nila mahirap matagpuan ang totoong pag-ibig. Sabi ko naman sa kanila, maaaring mahirap pero posible. Natagpuan nga kita diba?” :-)

View more

I met this guy online and we're talking for almost a week na. We're so compatible in almost everything, even with the weird stuff we like! We communicate nonstop and we flirt with each other.But then one night we decided to exchange pics and he's so handsome huhu as in!And I'm just average looking

I met this guy online and we're talking for almost a week na. We're so compatible in almost everything, even with the weird stuff we like! We communicate nonstop and we flirt with each other.But then one night we decided to exchange pics and he's so handsome huhu as in!And I'm just average looking
(Cont) I know I'm not his type huhu but we still talk pa naman tho ive noticed na he's not sweet like before. What should I do? Do I still continue our communication? Will the friendship make him like me more? Kasi okay naman talaga lahat, di lang talaga ako pretty :(
Answer:
Padalhan mo siya ng link ng hit na kanta ni Andrew E. ;-) LOL!
Srsly, I’m not in favor of online relationships. Hindi mo lubusang makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng mga sinasabi niya sa online (chats, PM, tweets, etc.). Don’t try to flirt!!!! You are making yourself vulnerable to a wrong relationship. For me, mas ok na mamahalin ako ng isang tao kung sino talaga ako. Kung ano ang aking kabuuan hindi niya huhusgahan ang aking pagkukulang. Bagkos, tutulungan niya ako na ayusin ang aking mga kanihaan. LALIM noon ah!
Don’t invest much of your emotions sa online. Makipag-usap ka na lang kay SimSimi (Download mo ang App).
Lastly, hindi ka pangit. Read Psalm 139:14. Huwag kang magpapaloko sa mga lalaking physical appearance lang ang tinitingan. Send that guy this verse: 1 Samuel 16:7.
I know I didn’t answer your question very specific. Alam kong alam mo naman talaga ang sagot. Just do what is right. Puwede din basahin mo ang conclusion ng libro ko (LOVE IS BLOG). May article ako doon na “The Love That I Think You Deserve”.

View more

Doc, pano kung tuwing iniinvite ko siya magdate e ayaw niya at nagdadahilan pa rin siya? Ano po gagawin ko?

Puntahan mo siya sa bahay nila. Or isurprise mo sa work.. Bring some flowers. Baka may mga common friends din kayo, so you can seek for their help too.. God bless sa plans mo! Suportanta kita! :-)

View more

(1) Mahal ba ako ng girlfriend ko? Hindi siya pumupunta sa mga special events ko, like graduation, gigs, exhibit. Tuwing iniinvite ko siya pumunta sa amin para makilala ang family ko or kapag may lakad ang family ko at niyaya ko siya, hindi siya pumupunta, either nakalimutan daw niya or masama ang..

(1) mahal ba ako ng girlfriend ko? Hindi siya pumupunta sa mga special events ko like graduation, gigs, exhibit. Tapos pag iniinvite ko siya pumunta sa amin para makilala niya family ko or kapag may lakad ang family ko at niyaya ko siya, hindi siya pumupunta, either nakalimutan niya or masama ang...
(2)..pakiramdam niya. Pero kapag sa mga friends niya yung event, nandon siya lagi. Sabi niya, hindi daw siya para mageffort pumunta sa mga gig at exhibit ko kasi babae siya. Ano ba dapat ang gawin ko? Kahapon ko pa siya hindi kinakausap kasi nasaktan ako. Feeling ko hindi ako mahalaga sa kanya…
(3) hindi naman po ako yung tipo na hindi nageeffort para makasama siya. Parang sobrang unfair lang po kasi at napakaunreasonable. Gusto na siya makilala ng family ko pero di ko magawa kasi palagi siyang may dahilan…
Tinatamong mo ako kung mahal ka ng GF mo? Aba, malay ko! I’m not the spokesperson of your GF.LOL
Srsly, medyo kumplikado ang sitwasyon mo. Ang mapapayo ko lang, mag-usap talaga kayo ng masinsinan. Why don’t you invite her for a date sa paborito ninyong restaurant. Magsulat ka ng outline na dapat ninyong pag-usapan. Here are my suggested outline:
1. Assess your relationship.
2. Expectation check. Ano ba ang inexpect mo sa kanya, at siya sa iyo.
3. Time allotment and communication.
4. Meeting the parents or family.
Dahil ikaw ang lalaki, ikaw dapat ang mag-initiate ng mga ganitong bagay. Huwag mong hayaang magkalabuan na lang kayo at the same time nasa isang relationship pa din kayo. Make it clear. Then kayo ang bahalang magdecide kung paano niyo iimprove at papalakasin ang relationship ninyo. May mga bagay na kailangan talagang pag-usapan. Kung nahihiya ka or kinakabahan ka na gawin ito, nasa sa iyo iyon.
Pray for it. Read 1 Corinthians 13:4-13.
Or bili ka din ng book ko. LOVE IS BLOG. :-)

View more

can u give me some advice? uhm is it possible na hindi kaya ng tao mag-commit sa isang bagay? like me one day gusto ko yun, d other day sawa na ako. thats why i thought myself that im good with nothing but i want to be good at something it's just i find it hard to commit. i dont know what to do :(

No, I can’t.LOL
Srsly, do you believe that everything is possible? If yes, eh di possible na may mga taong hindi kaya o nahihirapan na mag-commit sa mga bagay bagay. Anyway, simple lang ang gusto kong sabihin. Nahihirapan tayong mag-commit sa isang bagay kasi hindi natin alam ang very purpose o dahilan kung bakit natin ginagawa ang mga bagay na iyon. We should have the clarity of our “WHYs”. Watch this video of Simon Sinek (Start With Why).. https://www.youtube.com/watch?v=sioZd3AxmnE

View more

How do you express your love and desire to your special someone?

I’m still single so this is an invalid question.LOL
Srsly, if I will have my special someone (I know it’s so soon.haha), I will let her answer the Five Love Languages Test (http://www.5lovelanguages.com/profile/). It can be words of affirmation, acts of service, receiving gifts, quality time, or physical touch. I will consider the results of her test so that I will express my love according to her love language. Just be genuine on how do you express your love for your special someone (with respect and purity in your mind).

View more

Next