Ask @Jaysoncarlo:

For you, what would be the reason why you keep talking to a person you just met/knew? Is it a gesture of being friendly or what?

Maybe or maybe not. Depende na yan sa inrterpretation mo at sa taong kausap mo. May mga tao kasi na iba yung iniisip kapag may isang tao na nakipagkilala at nakipag-usap sa kanila, lalo na kung sweet at nagiging interested na sa life nila.. kaya ang tendency e naguguluhan na agad sila. Hindi naman kasi lahat ng tao na ganyan ang magiging treatment sayo e iba na agad ang iisipin mo.. maraming ganyang type ng tao na friendship lang talaga ang hanap.

View more

Iniiwasan ko na sila. Christmas and new year had gone by but my absence is nothing to them. Bakit ganon? Pag di ko sila napapagbigyan or wala akong nagagawang favor para sa kanila kung di ako mag i initiate ng convo wala.

Isa lang ang sigurado.. hindi ka importante sa kanila, kaya maaaring pati yung presence mo e balewala din sa kanila. Minsan, mas mabuti pa ngang makipag-usap sa hindi mo kilala dahil maski papano e nabibigyan ka nila ng time, di katulad ng mga kilala mo mga pero iiwasan ka naman kapag di ka nila feel.

View more

+9 answers in: “I miss you.”

I am an NBSB, what advice can you give me If I were to enter a relationship. cuz I am reallly scared to commit.

Enter a relationship when you are ready and not because kailangan mo lang. Minsan kasi, dala ng peer pressure kaya ka napipilitang pumasok sa isang relasyon. Pero deep inside e hindi mo pa talaga kailangan. Marami kasing factor na kailangan mong i-consider bago ka pumasok dito. Tanungin mo muna ang sarili mo kung "kaya ko na bang itapon ang pride ko?" o "kaya ko na bang ibigay ang tiwala ko?" o "kaya ko na ba yung pressure na nakapaloob sa pakikipagrelasyon?" at ang pinaka importanteng tanong sa lahat.. "mahal ko na ba talaga sya?"

View more

I need help! Ang laki na ng pinagbago ng boyfriend ko. Nawala na yung sweetness niya. Since kasi nung nawala yung daddy niya hindi ko na siya nakitang ngumiti, yung smile na mas lalong nagpahulog sakin hindi ko na makita sa kanya. Nasasaktan ako for him. Anong gagawin ko?

Yung pagiging sweet lang ba nya ang importante sayo? May pinagdadaanan sya na mas mabigat pa kaysa dyan sa pagsesentimyento mo. Girlfriend ka kaya dapat lang na ikaw ang mas kailangang umintindi. Sya at hindi ikaw ang mas nangangailangan ng tulong.

View more

kuya, paano po ba mag move on and totally maging happy and ok after magsinungaling,lokohin, gaguhin, o ano man po hahahahaha ng ex?? :((

Accept the fact na wala na kayo. Alisin mo na sya sa isip mo o isipin mo na lang na hindi mo sya kilala. Hindi madaling magmove on pero kapag determinado kang kalimutan na sya, mas madali na para sayo na makaalis sa sitwasyong kinalalagyan mo ngayon.

View more

kahit na magulang ko. lagi sila busy. yung feeling na iwwave off lang nila yung concerns ko. sabi nila stress lang yan. and yun yung masakit ang word na "lang".

Siguro try to understand them na lang, mas stressful kasi ang maging working parents.. kaya as much as possible e ayaw na nilang ma-stress pa kapag nasa bahay. Mga online friends mo na lang muna ang kausapin mo sa ngayon.

View more

+9 answers in: “I miss you.”
Next