Ask @andscasti:

dre! naranasan mo na bang maging rebound o mag-rebound?

Oo at oo. Naging rebound na ako at nag-rebound ako.
PERO narealize ko na di pala ako dapat nagrerebound o maging rebound. Sa parehong sitwasyon kasi, nasaktan at nakasakit ako. Kung mahal mo pa yung ex mo o ka-mu mo o kung ano pa mang tawag sa connection/relasyon ninyo, sana hanggat maaari wag muna makipagrelasyon sa iba. Hindi lang kasi sarili nyo ang linoloko nyo kundi ibang tao rin. Sabi nga sa nabasa ko sa Facebook "Madaling manakit, mahirap masaktan". Isipin nyo na lang din yung mararamdaman ng tao na hindi nyo naman pala talaga mahal at panakip butas lamang. Magmove on ka muna ng totohanan bago ka makipag-date o relasyon sa iba hanggat maaari.

View more

Kuya, ano po yung tipo mong babae?

Ang gusto kong babae, yung simple lang. Simple pero rock sabi nga ng iba. Yung tipong humble yung kagandahan. Kahit maganda, hindi mayabang o maarte. Hindi rin maharot. Yung kahit walang makeup, maganda pa rin. Hindi malaswa manamit na tipong kita na yung kaluluwa at wala na halos itira sa katawan. Yung kahit balot na balot, lumulutang pa rin yung angking kagandahan.
Sa ugali syempre given na yung mabait. Gusto ko rin ng matalino. Gusto ko sweet pero hindi naman sobrang clingy. Yung masaya at may sense kausap, may sense of humor at makulit pero cute.

View more

Kuya, ano yung isa sa mga pinagsisisihan mo?

Hi, anon. Ang isa sa mga pinagsisisihan ko sa buhay ay yung hindi ko ipinaglaban yung taong mahal ko. Hindi ko nagawa yung dapat ko sanang ginawa. Pareho naming hindi nagawa dahil sa may ibang taong nasasaktan. Ni-let go namin ang isa't isa. Medyo matagal nang nangyari yon pero minsan ay naiisip ko pa rin. Pakiramdam ko mahal ko pa rin sya, pero hindi ako sigurado. Baka kasi yung memory of love na lang yung nararamdaman ko ngayon. Pero malay ko ba baka balang araw, makita ko ulit sya at kung pareho kaming pwede pa ng mga panahong yon. Baka mag-umpisa ulit kami sa umpisa. Sana nga lang may nararamdaman pa sya para sakin kung dumating man yung araw na yon. Oo, umaasa pa rin ako kasi wala namang sigurado sa mundo. Alam ko baka may iba akong makarelasyon tapos sa huli kami pa rin pala di ba? Minsan, mapaglaro kasi ang tadhana eh. Pero kung hindi man kami sa huli, masaya pa rin kahit papaano kasi nakilala ko sya at minsang naging part ng buhay ko. :)

View more