Ask @ecsamar:

Tell me a secret.

I am not good at keeping secrets: I already retired this account. If you want to ask me a question, you can do it via my Twitter at http://www.twitter.com/ecsamar. See you there!

View more

Sir, posible po bang may tumanggap na publisher sa manuscript ng wala pang writing achievement? Wala lang po. :D

Oo naman, kung mahusay ang isinulat, bakit hindi.

View more

May alien na tumutok sa iyo ng isang armas na papatay sa iyo at kayang i-disintegrate ang lahat ng atoms sa buong katawan mo. Ngunit sa isang kondisyon. Sabi niya "magbigay ka ng LIMANG akda/sine/teksto na naglalarawan ng pagkaPilipino nang lalo kong makilala ang Pilipinas". Ano iyong babanggitin?

“Noli Me Tangere” dahil anino itong mahirap takasan. “Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino” dahil kailangan niyang lampasan ang limitasyon ng industriya ng sinehan. Buong “Darangën” para mabaliw siya sa katutubong haba at kagila-gilalas ng ating mga salaysay. “Anak” para alam niyang ang sentimyento ng magulang na Pinoy ay sentimyento ng tao sa buong mundo. At siyempre, ang aking Janus Silang series para makapag-promote ng sariling akda sa ibang planeta, dahil bakit aambisyuning maging international writer kung maaaring naging intergalactic?

View more

Ginoo, may book 2 na po ba ng Janus Silang?

Pumunta ka sa talk ko sa August 30 sa Raffles Hotel para sa #PILF2015 para malaman mo ang sagot!

View more

Hi, sir! Ano po ang paborito niyong work ni Murakami? :)

Marami at iba’t iba ang isasagot ko sa iba’t ibang pagkakataon. Nasa libro kong Halos Isang Búhay ang sagot. Sa ngayon: Kafka on the Shore.

View more

write your best horror story in two sentences.

You demand a story from me. I don’t know you.

View more

Sir, nasa MIBF po ba kayo? Nais ko pong magpapirma ng libro 😭

September 20 ang book signing ko roon, sa Adarna Booth, 2-4PM. Kita-kits ha. May talk din ako sa Raffles Hotel sa August 30. Pakilala ka lang. 😊

View more

Gaano kaliwanag ang Star Margarine?

Mas maliwanag lang ng kaunti sa mga layunin mo sa buhay.

View more

Sir, pansin ko po, nagdedelete kayo minsan ng FB posts na naipost niyo na. Bakit naman po?

Hindi ako nagdi-delete unless nagdoble. Minsan, tinatanggal ko lang ang tag sa akin o inaalis ko lang sa Timeline kung marami nang kapareho. Bakit?

View more

Movie suggestions please. :)

Just because I am now nostalgic of childhood innocence and the purity of first love: Where is the Friend’s Home? and Malena.

View more

Ano pong gamot sa migraine?

Pumunta ka po kaya sa doktor.

View more

Hello. How's life?

Hello rin. Okay naman.

View more

kapag gusto po magsulat o makalimot? :)

Some Damien Rice and Radiohead.

View more

ano po ang (mga) paborito ninyong musical piece?

Depende sa sitwasyon, siyempre. Iba sa videoke, iba kapag naliligo o tumatae, iba kapag nagsusulat, iba kapag nakatanga lang, iba kapag nagmamahal, iba kapag gustong makalimot.

View more

Sir namiss ko bigla ang klase natin! Bitin ang intersession.

Ganun talaga, naging paningit lang talaga tayo ng regular sem.

View more

Kung sa oras na to makakausap mo ang Diyos, at isang line lang ang pwede, at dun dedepende kung makakapasok ka ng langit, anong sasabihin mo?

Pinapunta raw po ako rito ni Mama Mary.

View more

paano kung mali ang sinasabi ng puso ko?

Itatama natin.

View more

idol, nabasa ko yung tula mong Kay Mariang Makiling. Nahiwagaan lang ako. Anong nangyari sa nanay? natulad ba kay Maria Makiling? o sumama sa iba? Paumanhin, ngunit aaminin ko gusto ko po ng paliwanag. Salamat :)

Kung anong sinasabi ng puso mong nangyari, iyon iyon. 😉

View more

Maliban sa Janus Silang, may ibang YA novel pa bo ba kayong nais isulat?

Marami pa pero tatapusin muna ang Janus Silang Series bago harapin ang mga iyon. ⌛️

View more

Anong level ka na sa Clash of Clans? Ano pangalan ng clan mo? Hihi

Di ko na nalalaro dahil sa Samurai Siege kaya tinanggal na ako sa clan pero Level 85 na ako. 😜

View more

What's the movie you could watch over and over again without getting tired of it?

I saw The Matrix Trilogy more than four times. I have no problem watching it again.

View more

Kailan po lalabas yung Janus Silang book 2?

Malapit na malapit na, pramis. Di ko isisikreto pag lumabas na, don’t worry. 😊

View more

kwento ka naman ng kahit anong first time experience mo

First time akong pinagkuwento ng kahit ano lang na first time ko pero wala akong maisip kaya sinabi ko na lang itong First time akong pinagkuwento ng kahit ano lang na first time ko...

View more

What can you say about Harry Potter and J.K Rowling as a writer?

Honestly, I haven’t read the whole series yet. I stopped with the third book.

View more

Kung magpapatattoo ka, ano ang ipapalagay mo?

Wala pa akong maisip. Suggestion? Manananggal? Tiyanak? Diwata?

View more

Next
  • 340
    Posts
  • 199
    Likes

About Edgar Calabia Samar:

ECS writes and reads poetry & fiction & the fantastic.
Atisan Archives