Ask @joncabron:

may bestfriend ako matagal na kami hindi nagkikita at madalang kami magkausap kahit sa phone. mag-bestfriend p din ba kami pag ganun?

tingin ko inlab ka sa besprend mo, 'wag ka ng tumanggi! alam ko ang nangyayari dito!! kakirian mo ha!

View more

may kilala ka bang rishadivina samting sa sofitel?

wala akong kilala na kahit na sino sa sofitel, maganda ba 'yan? baka may syota na 'yan ha!

View more

anung kulay yan?

ang brief ko ba? maroon.

View more

C nu ka?

ako si jon cabron, tatanggihan ako ng nanay mo para sa'yo pero makikipag agawan sa'yo ang ate mo makuha lang ako.

View more

anong taon ka ung first sexual experience mo?

ikakapahamak ko ang sagot sa tanong na 'yan dahil lahat ng naka anuhan ko ang alam nila sila ang una.

View more

gaano mo 'ko kamahal?

katulad ng pag ibig ng patatas sa cd na installer ng microsoft office.

View more

bakit ang pogi pogi ko??? - jeff

ganun talaga, alin kung basta sa tatay mo lang aasa ang nanay mo hindi ka lalabas na ganyan, kala mo ba!

View more

ano ang kaylangang gawain para maifollow ng isang joncabron sa twitter at facebook?

konting ganda ng mukha at/o pagiging interesante lang 'yan.

View more

sorry if its too personal but whats your favorite sex position?

gago ka ba? mabasa pa ng nanay ko 'yan!

View more

kaylan ka huling nagdasal?

kagabi, ewan ko kung anong meron kahapon pero buong araw akong nagtiis para gawin 'yun pakiramdam ko kase ambigat bigat na ng nasa loob ko pero nasa opisina ako buong araw at hindi nagtutugma ang pagkakataon at lugar para dun kaya pag uwi ko sa bahay ibinuhos ko lahat lahat habang may tumutulong luha sa mga mata ko. ..sorry ang unang basa ko "nagsal*al" magdasal ba? hindi ko na maalala.

View more

anu ba dapat gawin pag ung ex mo na may asawa na, ikaw pa din tinatakbuhan pag may problema siya tapos pati nanay nia nagkwekwento din sayo ng problema nila ng manugang nia?

natural depende 'yan kung nagtapos naman ang relasyon n'yo na nagkasundo kayong maging magkaibigan e asahan mo ng ganyan nga ang mangyayari pero sa lahat ng bagay tandaan mo kung hindi ka kumportable e umangal ka.

View more

nalaman ko na kabit ako, pero mahal ko ang boyfren ko na may asawa na? anong gagawin ko kung di ko sya kayang i let go kung kumakapit pa din sya saken .parehas kaming nagmamahalan.

nalaman ko na kabit ako, pero mahal ko ang boyfren ko na may asawa na? anong gagawin ko kung di ko sya kayang i let go kung kumakapit pa din sya saken .parehas kaming nagmamahalan.
S. ilagay mo sa isip mo na ang minahal mo ay 'yung boypren mo na wala pang asawa at hindi 'yung ngayon na may asawa na, magkaibang tao 'yun. timbangin mo muna lahat kung anong magandang dahilan n'ya para ilihim sa'yo 'yun at kung anong dahilan kung bakit kailangan ka pa n'ya sa buhay n'ya kung may asawa na pala s'ya, may problema ba sila kaya ka n'ya kailangan? pwes, kailangan ka n'ya para saan? gulong na reserba ba o ashtray na tambakan ng yosi pag mapait na sa panlasa? bigyan mo ng oras ang sarili mo na hanapan ng sagot ang mga tanong na 'yan at pagkatapos nun tsaka mo asikasuhing hanapan ng sagot ang hindi masyadong importanteng tanong mo tungkol sa kung anong gagawin mo kung hindi mo s'ya kayang iwan dahil nagmamahalan kayo.

View more

sa plagay mo ba seryoso saken ang boyfren ko khit nalaman ko na may asawa na pla sya? pero nkkpag commuicate p din sya saken? dapat ko n bang itigil tong relasyon namin khit sobra ko syang mahal?

malinaw na itong huli mo lang nalaman na may asawa na pala s'ya kaya ibig sabihin niloko ka n'ya nung una pa lang at ang relasyon n'yo ay nagsimula sa lokohan kaya sa tanong mo kung dapat mo na bang itigil ang relasyon n'yo.. natural! pwera na lang kung luko luko ka.

View more

bakit ayaw mo pakita mukha mo? cute ka kaya? hmmm..

hindi importante ang mukha o itsura ng nagsusulat para maitawid n'ya ang gusto n'yang sabihin para sa mambabasa n'ya, kumbaga sa gera ang manunulat 'yung sundalo na bumabaril sa hangin patama sa mambabasa na hindi n'ya nakikita at mas gusto ko na sa minsan na masasapul kayo ng bala ko ang unang pumasok sa isip n'yo ay galing 'yun sa isang mandirigmang sundalo at hindi sa kung anong itsura nung may hawak ng baril.

View more

like kitang maging bf saya mo kasama siguro

ikinalulungkot ko pero mas masaya akong kakwentuhan at kalandian kesa karelasyon, seryoso.

View more

idol ka para sakin the way you carry yourself pati pagnagsalita ka na aamin ako na most of the time ginagamit kitang inspirasyon sa diskarte sa chicks. salamat idol isa kang alamat!

salamat, madalas na inspirasyon ko din ang sarili ko tuwing dumidiskarte ako sa "chicks" at awa naman ng swerte wala pa naman sablay lalo na pag hindi naman ganun kagandang babae ang pinaggagamitan ko n'yan.

View more

Nasisiraan na daw ako sabi ng nanay ko! Hahaha kaw lang nagpapatawa sakin ng ganito! Salamat! Apir!

sabihin mo sa nanay mo bukod sa patawanin kaya din kitang paligayahin. ..ikaw ha, hindi ang nanay mo!

View more

papayag kaba pagkatulad mo as joncabron ang naging bf o asawa ng unica hija mo?

una sa lahat, sa kanya manggagaling ang desisyon kung sino ang mamahalin n'ya at kakarelasyunin kaya medyo hindi ganun kabalido ang maisasagot ko sa'yo pero para lang may mapag usapan, ganto 'yan: kumbaga sa pana ang magagawa ko lang ay hilahin ang palaso sa abot ng makakaya ko at umasa na pagbitaw ko dun magiging matuwid ang balang papaalpasin ko at didiretso sa kung saan ko 'yun gustong patamain, ganun din ako bilang ama wala akong magagawa kundi umasa na sa sarili kong paraan ng pagpapalaki sa kanya para maging matino s'yang tao sa oras na dapat ko na s'yang pakawalan sana mapunta s'ya sa kung saan at kanino s'ya nararapat. papayag ba akong maging katulad ko ang makakarelasyon n'ya? seryoso, sana hindi. naranasan ko na sa tatay ko kung gaano kadelikado pag nagkasalubong ang parehong prinsipyong matatag at kung gaano kalaking pinsala ang kayang idulot nun sa isang relasyon. matagal bago natanggap ng utak ko ang dahilan kung bakit lagi kaming sumasabog ng tatay ko at kelan ko lang nakumpleto ang puzzle na 'yun sa utak ko, pareho kami ng ugali at pareho kaming hindi nagpapatinag kaya wala sa aming dalawa ang nagbibigay para sumalubong sa isa sa gitna kaya lagi kaming nasa itaas pareho. ano ang pinupunto ko? pag ang naging karelasyon ng anak ko ay katulad ko at nabalitaan ko na sinaktan s'ya nun bubugbugin ko 'yun ng walang humpay hanggang sa ipanalangin n'ya na sana yakapin s'ya ng swerte na sana pulikatin ang kamay ko para tumigil na ako sa pagsuntok sa kanya at igapos ko na lang s'ya sa puno at ipakain ang katawan sa tigre.

View more

pano ko po malalaman na my ibang karelasyon ang boyfriend ko?

typo error ka ba at ang gusto mo talagang itanong ay kung papaano mo makakalimutan ang boypren mo na may karelasyon ng iba? tama ba? ipagpalagay natin na tama ako. pwes, makipag relasyon ka sa akin at 'wag mo ng intindihin ang manlolokong 'yun.

View more

may lalaki na bang nakahawak ng itlog mo? hahaha

masyadong malawak ang tanong na 'yan, lalaking naka gwantes na panduktor ba ang tinutukoy mo o bakla na may suot na makapal na gintong bracelet?

View more

papaano mo masasabi na masarap ka?

ganto 'yan, papaano mo malalaman kung masarap o hindi ang ulam sa karinderya? tignan mo kung gaano karami ang isang order, pag madami masyado ibig sabihin hindi masarap kaya pinapaubos na, pag talo naman ang dami ibig sabihin kumpiyansa ang nagbebenta na kahit kaunti ang bigay tiyak na tatangkilikin. gets? hindi pa rin? 3 inches lang ang ano ko dahil ayaw ng diyos na maimpacho ka kung gaano ako kasarap.

View more

ano pong masasabi niyo sa panitikan ngayon kaysa dati?

bading ba si pots?

yes.

View more

aso o pusa?

aso, bakit? naranasan mo na bang makalmot ng pusa sa itlog?!

View more

lalaki at babae sino sa dalawa ang pinakanasasaktan sa pagnaghihiwalay?

kung sino sa kanila ang hindi pa handa.

View more

Next
  • 31
    Posts
  • 0
    Likes

About Jon Cabron:

mapanganib, nakakasakit.
Dubee