Ask @leaflens:

Give tips naman po. Paano pag 1st date & 1st meet nyo ng gf nyo? Ano mga dapat gawin at pag-usapan? Nawawalan kasi ng sasabihin in person haha.

I'm sorry na-lost ako teh. So GF mo na siya, pero wala pa kayong 1st date at 1st meet??? Um, so paano kayo naging kayo, kung walang date at walang meet? Relationship via mental telepathy ba itey? Kalurkey. Expound next time.
At saka kung gusto mo talaga yung tao at click kayo, dapat kahit pamorningan puwede kayong magkaharap at nag-uusap nang dire-diretso lang. Conversations are the first connections lagi, and if you don't have anything to talk about in the first place, then there's no connection and there's no click to sustain this.

View more

PAANO MO MAPAPA BALUKTOT ANG STRAIGHT? haha i mean kung may gusto ka kaso ayaw nya sa same sex. Dahil nilamon sya ng sistemang adan at eba.

Baka sabihin din niyang nilamon tayo ng kasalanan dahil hindi adan ang hinahanap nating mga eba. Lesbianism is not like vampirism, na pag kinagat mo eh vampire na din siya. If you force yourself on someone who doesn't like you, then that is some form of harassment. I'm sorry but that's the ugly truth of it. We are here to love women, not to convert the straight world to recruit members. Mas masahol pa tayo sa religious fundamentalist idiots kapag ganyan ang worldview natin. New year na teh. Maghanap ka ng kabaro, hindi yung kusa mong bibihisan nang labag sa loob niya. It's also a form of rape, you know. Be more aware, please.

View more

Mabigat sa pakiramdam ko na yung ex gf at bestfriend ko ay may relasyon ngyon.Alam naman ng bestfriend ko na mahal ko pa ex ko.Anu po gagawin ko ngyon para gumaan na pakiramdam ko?thank you..36/lesbian

Mabigat nga yan teh. Pero mas mabigat mabuhay nang dala-dala mo ang mga bagaheng dati pa dapat iniwan. Kung talagang mahal mo pa siya, hayaan mo siyang maging masaya sa kung saan siya masaya. I believe na hindi dapat kasi selfish ang pagmamahal. Tingnan mo na lang if this works for you: LOVE YOURSELF MORE. And hey, sorry to say this, pero pramis, marami pa diyan! Kahit hindi ka maghanap, may darating. Ganyan gumana ang universe minsan. Tiwala ka lang.

View more

Pano makipagsex sa another girl if wala ka pang experience on sex?if virgin ka and experienced yung jowa mo.

ae
Sex is about exploration of your body and self and sharing that exploration with another being. Regardless of your (in)experience, you should both communicate well if you want to explore each other sexually. Hindi dahil virgin ka ay wala kang alam. Instinct ang nagpapaandar sa inyo sa sex. At hindi dahil experienced na ang jowa mo ay alam na niya ang gagawin niya sa iyo. Each body is a new one, and each new body should be explored anew. Walang template. Kapaan lang what works and what doesn't sa inyong chemistry.
Happy exploring!

View more

Hello Libay. Sa lahat ng pwedeng mapansing photos mo doon sa mga blogs mo, yung mga naka side view mong posing ang nakapukaw ng aking atensyon dahil sa tangos ng iyong ilong. May lahi ka bang foreigner - Spanish or Portugese? Beauty ka ha kahit medyo boyish porma mo. (ang landi ko ba? LOL)

Beauty naman ako talaga anuman ang porma ko hahaha! Charut! Salamat sa nice words. Yes, my father side relatives have Spanish lineage while my mother naman has Chinese, pero mas nangibabaw yata ang Spanish blood sa akin. Paborito ng lola ko yang tangos ng ilong ko. Laging iyan ang pinagyayabang niya dati hehe.

View more

ma'am, sorry po. not about SOGIE or gender-based... more on decency po ito.. I am also lesbian, and yes naasiwa po ako coz we're all adults naman in that bank, pero para mag pisilan blues po eh over na. kasi it reminded me of similar incident before, meron nag react i.e. negative ang LGBT in general

Brinette Elise
Sorry sa backlog ng reply na ito. But yeah, I agree with your opinion. Asiwa nga kapag ganun. Masyadong bulgar for my taste as well.

View more

Follow-up question po: Do you think there's a proper way and place to have lesbian PDA? Kasi nga po gawa nung nakita ko. Di kasi PDA yon for me and for sure, for those na nakakita. Sorry po, medyo nawindang lang ako kasi first time ko makakita ng ganun sa public place. o.0

Again, we have to separate whether your discomfort is seeing a lesbian-oriented PDA or a PDA, period. Sa akin, decorum pa rin ang nangingbabaw dapat kaya ang PDA ay hindi dapat super-excessive. Kung get-a-room type na ito, wapakels kung hetero o queer sila: parehong ligwak in my book. I'm sex-positive, yes, but I'm also pro-decency in public kasi.

View more

Ma'am Libay, I don't know how to ask this, pero I know ikaw lang po makakasagot nito ng tama. Is it wrong to feel annoyed or parang nabastusan if nakakita ako ng magjowang lesbian (both femme) in a public place (e.g. bank) na naka ankgla yung isang girl sa girl nya at pinipisil-pisil yung side ng...

Brinette Elise
continued...side ng boobs ni girl? I wanna tell them to get a room, kaso nakakahiyang mag-ingay at makialam. But I feel na na-aasiwa na yung mga ibang clients na nakapila. I know di dapat maki-alam sa buhay ng may buhay, but it's a bit too far na diba po? Or masyado lang kasi tayong conservative?
A:
Hindi sexual orientation, gender identity/gender expression (SOGIE) ang isyu mo dito, kundi isyu ito ng PROPRIETY. Not really about conservatism as well, but about decorum, respectability, decency, appropriateness, at iba pang terms na ibig sabihin ng proriety, sabi ng dictionary ko.
Ako din isyu sa akin ito, dahil di ko bet ang SINUMAN na masyadong OA na sa PDA, mapa-hetero man yan o homo. Walang kaso sa akin ang SOGIE at gora magmahalan kayo. Pero para gawin yang mga bagay na yan in public, off din sa akin lalo na kapag excessive na, tulad nung na-witness mo.
Check mo na lang sa sarili mo kung SOGIE-based o PROPRIETY-based yung dismaya mo sa nakita mo. Kasi kanya-kanya din yan ng lente sa pagtingin sa mundo.
Sana'y nasagot ko ang tanong mo nang mahusay.

View more

Ms Libay, hangang-hanga ako sa mga sinulat mo sa POC at sa iyong blog. Nakakatulong ito sa aking pagkatao - sa pagdiskubre at pag validate na lesbian nga ako after years of being single and researching about sexuality. Salamat sa pagbahagi ng kaalaman at kamalayan. Ako'y iyong instant fan. =)

Glad to know na nakakatulong ang mga sulatin ko sa iyong self-discovery. Iyan naman ang purpose ko kung bakit ako nagbabahagi ng buhay ko sa mga sulatin ko. Baka may mapulot ang mambabasa na ideya na makakatulong sa sarili nilang mga kuwento sa buhay. Muli, maraming salamat!
Oh P.S. nagsimula din ako ng wattpad account para naman sa iba ko pang sulatin. basa ka lang din pag may time, for more! :) http://www.wattpad.com/user/leaflens

View more

What was your first concert? No matter how embarrassing - let's hear it.

MENUDO pare sa Araneta Coliseum, yung composition na bagong salta pa lang si Ricky Martin sa grupo hehe. I'm not embarrassed by this, because this marks my generation. At least nakita ko nung 13 years old pa lang ang future gay icon pala of my generation pa rin, right? Right.

View more

Your thoughts on death penalty?

Ramuel
There should be certain crimes against persons that merit the death penalty. Rape, for one, especially committed against children. Pre-meditated murder is another. And others.
Before, I saw a male judge hand down a supposed guilty verdict for a rape case but he reclassified it into a mere acts of lasciviousness verdict to avoid sentencing the death penalty for rape before. That was a long time ago here, when I was with my lawyer ex who handled the case. The victim was a 9 year old girl, and it broke my heart that her perpetrator got away with this mere slap on the wrist verdict. Where's justice when you need it, right?

View more

Plans for an expensive gift for my gf for her birthday. (First time exp gift planning) Bestfriend says things like (sarcastically as possible): "Family first"Why not give that kind of gift for your fam" etc. What can you say about this? Im providing for my fam btw. I help in financing etc.

Two things at work here: the concept of expensive gift giving and the concept of providing for your family. If you can do both, why not? But I'm not really a firm believer of giving expensive gifts especially if you're not that liquid. If you are, then by all means give to your heart's content. Just don't forget to fulfil your duties as well.

View more

Next